Friday, August 22, 2014

SOUPer (Sabaw) Moment on a Friday


Nakakatuwa yung maka-experience ng "sabaw moments", yet nakakalungkot kasi minsan wala akong kasama to witness it. So, iku-kwento ko na lang:

Eksena sa jeep.

Manong Driver: "May bababa po ba sa Festival Mall?"

Katahimikan.

Manong: "May bababa po ba sa Festival?"

Nakabibinging katahimikan. Part 2. Obviously, walang bababa.

Manong in his 'wag-kang-susuko' moment.
MAY BABABA BA SA FESTIVAL? SUMAGOT KAYO!!

Pasahero, all together now: WALA PO!

Manong: "Ayan, sumagot kayo kung wala eh di wala. Pag di naman ako dumaan nagagalit kayo, tapos ang dami nyong sinasabi.. Blah blah blah blah. (Repeat until fade).

Go for Manong Driver!! 😜


No comments:

Post a Comment